Tuesday, August 15, 2017

My Mamang Knows Best

Pag sinabing Alternative Medicine at Healing ito ay may sosyal na connotation agad kase ang Mahal. WALA YAN SA mga imbentong paraan ng aking MAMANG my love.

Ito ang mga alternative medicine na kinalakihan at ginamit sakin ni Mamang ko. Please post lang po ito para tawanan lang kase absurd o sang ayunan pero hindi ko po ito nirerekomenda kahit kanino. So far Buhay pa po ako kase wala akong allergic reaction sa anumang nakasulat dito. Please hindi po ako liable kung subukan po ninyo. Yung recommended ko lang at ginagawa ko ay nakaindicate na ๐Ÿ˜๐Ÿ˜„ at yung NO WAY ay may ๐Ÿคฎ๐Ÿคข. Yung Duda ako wag niyo din po subukan ha...

TAWAS para sa B.O. at pamatay ALIPUNGA
Dahon ng bayabas
- pakuluan pang langgas o ngunguyain at ilalapat for faster wound healing๐Ÿ˜Šhit na hit kapag summer sa mga magbibinata. ๐Ÿ˜œ
Juice ng Singkamas /gatas ng ina(frm Joey de Guzman)
- pampatak sa sore eyes, kuliti at anomang sakit sa mata o eyelids๐Ÿคจ
Kulantro
-pakuluan, pampaligo for faster wound healing din specifically for BULUTONG ๐Ÿ˜„๐Ÿ˜
Pure Kalamansi Juice na nasa tablespoon, pinainitan sa sindi ng kandila... sabay inom pag mainit na..ingat baka mapaso. Para sa UBO๐Ÿ˜
PURE boiling Kalamansi Juice pamatay ng mata ng KULUGO.๐Ÿค”
Langis ng Niyog na pinainitan ... para sa rayuma, sa balakubak, pampaganda ng hair at scalp.๐Ÿ˜
Dinikdik na BAWANG with langis ng niyog. Same as Langis ng niyog but with Heat. do not put garlic directly on your skin ng matagal. masusunog. A teaspoon a day UNCLOGS ARTERIES and blood vessels too.๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜
Laway sa noo... yuck! aahhh gosh... pang alis Usog. libre naman hepa ๐Ÿคข
Sindi ng YOSI itatapat sa kagat ng lamok o anomang kati... para daw di na kamutin at di magsugat...๐Ÿคฃ
SUKA+Rock Salt haluin sa maligamgam na tubig pang Gargle para maalis ang kati ng lalamunan๐Ÿ˜
Vicks + HOT water sa basin at magtalukbong. parang nebulixer, pang papawis din kapag may lagnat๐Ÿ˜
SANDOK yup sandok ha hindi sanse... panghagod sa tiyan kapag masakit..para daw mai utot daw agad ang KABAG. hmmm๐Ÿค”
PABANGO sa bulak! ulk ... ipapasak sa bulok na ipin para mawala sakit...๐Ÿค”
Mga chinaang dahon, iba iba for specific condition. madami yan.๐Ÿ˜
Itlog ng Butiki... YUCK ...para daw magkaanak. pang gayuma din daw ๐Ÿ˜ฌno!
BUTIKI...kakainin daw... YUCK , para mawala ang hika ( no,no,no!) frm joey de guzman archive. ๐Ÿคข๐Ÿ˜ฌ no!
Unang menstruation YUCK , ipapahid sa face para di magkatigyawat (di ko ginawa ito)๐Ÿคข๐Ÿ˜ฌ no!
Unang Jingle sa umaga padausdusin sa binti at Paa...pang alis Pasma... ๐Ÿคข๐Ÿ˜ฌ no!
Baking Soda with warm water as ANTACID at pampababa ng URIC ACID 3x one day lang. not recommended sa mga may KIDNEY Problem. totoo ito I LOVE THIS๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜
kayo... what was your good or bad experience sa bahay regarding alternative meds ng mga lola at nanay ninyo?

No comments:

Post a Comment