Tuesday, July 4, 2017

My Mamang...



When I was a kid, JULY 4 was a holiday...Phil- Am Friendship day. But more importantly, Birthday ni Mamang ko. Maaga pa lamang luto na ang pansit at hotdog. At uso pa noon ang nagpapadala ng isang plato ng handa sa kapitbahay. Kailangan daw wag huhugasan yung plato pag isinoli para maswerte. 

Nasa tiyan pa lang ako super mahal niya ako... iniwasan niya umakyat sa hagdan at lagi niya daw tinitigan ang picture ni Charito Solis sa pelikulang Igorota na hanggang high school ako naka ipit sa salamin ng platera namin.



Maligayang kaarawan Mamang. Nawa' y sa langit kung nasan ka ngayun ay maalala mo kami. alam kong masayang masaya ka na sa kabilang buhay. mahal na mahal ka namin and we miss you so much. Pangako kong hindi ko kalilimutan ang bawat detalye ng iyong magandang mukha. malamang may date kayo ni Tatay mamaya kaya ipagdarasal ko na kung kayo pa din sa langit, mabuo niyo ulit ako jan. ðŸ˜ƒðŸ˜¢ðŸ˜˜ðŸ˜”🎂






❤️



No comments:

Post a Comment